dzme1530.ph

₱85-M na halaga ng smuggled na karne mula sa China, nadiskubre sa Parañaque

Aabot sa ₱85-M na halaga ng smuggled frozen agricultural and beverage products ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng inspeksyon sa isang warehouse sa Parañaque City.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na isinagawa ang inspection kasunod ng pag-i-isyu niya ng Letter of Authority (LOA) sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port noong Sept. 5.

Isinilbi ng mga operatiba ng CIIS-MICP ang LOA sa kinatawan ng warehouse kung saan natagpuan ang iba’t ibang poultry, meat, at iba pang mga produkto mula sa China na hinihinalang walang proper customs duties and taxes.

Ipinadlock muna ang warehouse upang maprotektahan ang mga naturang produkto para sa final inventory. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author