Aabot sa mahigit ₱81 billion na halaga ng mga kinumpiskang kontrabando ang naitala ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon.
Ayon kay Director Verne Enciso ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), dumoble ang kanilang mga nasabat na mula sa 729 seizures noong 2022 na nagkakahalaga ng ₱24-B, ay lumobo ito sa 1,537 ngayong 2024.
Sa naiulat na halaga ng nasamsam na kontrabando ngayong taon, ₱55 billion ang mula sa CIIS-Manila International Container Terminal.
Iniugnay ng BOC ang pagkakasabat ng mga ito sa good governance at epektibong mga hakbang laban sa iligal na kalakalan, pinaigting na border security at pagpapatupad ng maayos na trade processes. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera