dzme1530.ph

₱600K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP-HPG sa Quiapo

Loading

Naaresto ng PNP Highway Patrol Group ang isang lalaki na nagmamaneho ng hi-ace van matapos makatanggap ng reklamo kaugnay ng smuggled at pekeng sigarilyo.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, inihayag ni HPG Spokesman Lt. Dame Malang na isang walk-in complainant mula sa isang cigarette company ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa pamemeke ng kanilang produkto.

Itinuro ng complainant ang ruta ng suspek kaya nagsagawa ng operasyon ang otoridad. Naharang ang sasakyan sa isang anti-carnapping operation sa Palanca Street, Maynila, kung saan naaresto ang driver at nasabat ang walong kahon ng iligal at pekeng sigarilyo na aabot sa halagang ₱600,000.

Ayon kay Malang, ibinababa ang kontrabando sa isang area sa Maynila bago ito ibenta.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng operasyon, habang posibleng kaharapin ng driver ang kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code at RA 7394 o Consumer Act of the Philippines.| via Allen Ibañez

About The Author