Tinaya sa ₱600-M na halaga ng expired na frozen meat, na umano’y ginagawang siomai at hotdog, ang nakumpiska sa isang cold storage house sa Meycauayan, Bulacan.
Armado ng search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office ang warehouse na naglalaman ng kahon-kahong imported meat products, na ang karamihan ay may amag na, nabubulok, at hindi na maaaring kainin.
Ayon sa isang impormante, modus ng kumpanya na may-ari ng nabubulok na karne na palitan ang expiration dates ng mga produkto.
Nadiskubre ng mga imbestigador na ilan sa mga karne ay expired na noon pang 2020.
Sinabi ni Atty. Aires Manaloto ng NBI na para ma-save ang produktong expired ay nirere-process nila ang mga ito at ginigiling para gawing siomai at hotdog.