Maglalaan ang gobyerno ng ₱60 million para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Dep’t of Social Welfare and Development sa Valenzuela, Navotas, at Malabon City.
Ayon sa Pangulo, tig- ₱20 million ang ibibigay sa tatlong lungsod bilang panimula, habang hinihintay pa ang assessments ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t at Office of Civil Defense sa iba pang lokalidad.
Inatasan na rin ang DSWD na ipagpatuloy ang pamamahagi ng family food packs sa mga lumikas at mga apektadong pamilya.
Samantala, handa rin umano ang DSWD at Dep’t of Labor and Employment na magbigay ng Cash for Work Program at TUPAD para sa paglilinis sa mga komunidad kapag humupa na ang mga baha.
Mababatid na nalubog sa baha ang halos buong bahagi ng Valenzuela, Navotas, at Malabon dahil sa matinding pag-ulang dala ng bagyong Carina at Habagat.