dzme1530.ph

₱6.2-T national budget, iminungkahi para sa 2025

Iminungkahi ng Development Budget Coordination Committee ang ₱6.2-T national budget para sa 2025.

Malaki ang itinaas nito mula sa ₱5.768-T na budget ngayong taon.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na ang government spending ay mananatiling nakatutok sa high-impact at transformative public infrastructure projects at essential social services, lalo na para sa mahihirap at vulnerable people.

Patuloy din nitong susuportahan ang build-better-more program ng administrasyon, upang mapanatili ang infrastructure spending na katumbas ng 5-6% ng GDP, hanggang 2028.

Samantala, inaasahan namang papalo sa ₱4.270-T ang revenues ng gobyerno ngayong taon, at aakyat pa ito sa ₱6.078-T sa 2028 sa harap ng mga inaasahang reporma sa tax administration para sa modernisasyon at pagpapalakas ng Philippine tax system.

About The Author