Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng ₱500-M para sa fuel subsidies ng mga mangingisda at magsasaka, sa gitna ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni DA Spokesman Arnel de Mesa na ₱3,000 na one-time assistance ang matatanggap ng bawat kwalipikadong magsasaka at mangingisda upang mapagaan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng petroleum products.
Ayon kay de Mesa, ang mga magsasaka na mayroong makinarya na naka-rehistro sa ilalim ng registry system for basic sectors in agriculture ay maaring makapag-avail ng fuel subsidy.
Ang mga mangingisda naman ay hindi dapat lalagpas sa three metric tons ang kanilang mga bangka para makatanggap ng subsidiya.