Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ₱5.768 Trillion 2024 Proposed National Budget ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 20.
Sa seremonya sa Malakanyang, isinabatas ng Pangulo ang 2024 General Appropriations Act (GAA) na katumbas ng 21.7% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Mas mataas din ito ng 9.5% kumpara sa 5.26 trillion pesos 2023 budget.
Ang paglagda sa Pambansang Budget ay sinaksihan nina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, at iba pang mga mambabatas at miyembro ng Gabinete.
–Ulat ni Harley Valbuena, DZME News