Ni-realign ng subcommittee ng House Committee on Appropriations ang ₱46-B mula sa proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 250 bilyong piso para sa flood control projects sa 2026, patungo sa dalawang social amelioration programs ng pamahalaan.
Inaprubahan ng Budget Amendments Review Committee ang proposal ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan na ilipat ang ₱32.6-B sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS, at ₱14.82-B sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Inilipat ang proposed allocation para sa flood control projects ng DPWH sa ibang items sa panukalang ₱6.7-T 2026 national budget, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang bagong alokasyon para sa flood control sa susunod na taon.
Dahil sa naturang approval, ang kasalukuyang ₱26.9-B proposed budget ng AICS para sa 2026 ay umakyat sa ₱59.5-B. Tumaas din sa ₱26.9-B mula ₱12.1-B ang budget para sa TUPAD.