Kabuuang 41.9 million pesos na insentiba ang tinanggap ng mga atletang Pilipino na nakapag-uwi ng mga medalya mula sa 19th Asian Games sa China.
Sa ginanap na “Gabi ng Parangal at Pasasalamat para sa Bayaning Atletang Pilipino” sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaloob sa 33 medallists ng 22.8 million pesos na gantimpala mula sa Office of the President (OP).
Mayroon ding bukod na 19.1 million pesos na incentives ang kanilang natanggap mula sa Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng PAGCOR na naka-mandato sa ilalim ng batas.
Nagtapos ang Pilipinas sa ika-labimpitong pwesto sa Asian Games, na nakasungit ng 4 Gold, 2 Silver, at 12 bronze medals.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera