dzme1530.ph

₱40-M halaga ng vape products mula China, nasabat ng Customs sa MICP

Loading

Mahigit ₱40-M halaga ng vape products na galing China at idineklarang kitchen items ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Pinangunahan ng mga opisyal ng BOC ang inspeksyon ng mga nasabat na kontrabando, kabilang sina Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, Deputy Commissioner Allan Rosales, at District Collector Rizalino Jose Torralba.

Ayon sa BOC, noon pang Enero 2025 inilabas ang hold orders para sa mga shipment matapos makatanggap ng derogatory information ang Customs Intelligence and Investigation Service sa MICP.

Sa isinagawang physical examination, nadiskubre ang 81,000 assorted vape products, kasama ang sako-sakong fully refined paraffin wax.

About The Author