Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Ilocos ang ₱33 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa para sa mga domestic at private sector workers sa rehiyon.
Nangangahulugan ito na ang arawang sweldo para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector na mayroong 10 o higit pang empleyado ay magiging ₱468 na, habang ₱435 naman sa naturang sektor na mayroong mas mababa sa 10 manggagawa.
Dinagdagan din ng Board ang minimum wage ng mga kasambahay ng ₱500 kada buwan, kaya ang kanilang sahod ay ₱6,000 na.
Ayon sa Department of Labor and Employment, epektibo ang wage hike sa ika-7 ng Nobyembre. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera