dzme1530.ph

₱27M halaga ng iligal na droga, nasabat mula sa dayuhan sa Mactan-Cebu International Airport

Loading

Inaresto ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang isang African national sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos mahulihan ng apat (4) na kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱27-M.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, dumating ang suspek noong Setyembre 18 mula South Africa via Hong Kong. Sa isinagawang inspeksiyon, natuklasang may dalang iligal na droga ang dayuhan, na kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang Methamphetamine Hydrochloride.

Giit ni Nepomuceno, paiigtingin pa ng BOC ang seguridad sa mga pantalan at paliparan upang mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga. Pinuri rin nito ang pagtutulungan ng iba’t ibang yunit ng ahensya na nagresulta sa matagumpay na operasyon.

Tiniyak ng BOC na patuloy itong nakikipaglaban kontra iligal na droga at nagpapatupad ng mas mahigpit na pagbabantay sa mga hangganan ng bansa.

About The Author