dzme1530.ph

₱25-M halaga ng farm equipment, itinurnover ng gobyerno sa MNLF

Nagbigay ang gobyerno ng ₱25 million na halaga ng mga kagamitan sa pagsasaka, sa Moro National Liberation Front.

Sa seremonya sa Mindanao State University sa General Santos City, itinurnover ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity sa mga miyembro ng MNLF ang walong tractors, anim na rice combine harvesters, corn sheller, at iba pang machinery accessories.

Ito ay bilang bahagi ng transformation program sa ilalim ng 1996 Final Peace Agreement sa MNLF.

Layunin nitong mabago ang buhay at pananaw ng MNLF combatants at kanilang mga pamilya, upang maging produktibo at self-reliant ang kanilang mga komunidad.

Hinikayat ni OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr. ang MNLF na makipagtulungan sa national gov’t sa pagtahak sa direksyon ng kapayapaan para sa buong bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author