dzme1530.ph

₱20 na kada kilo ng bigas, pinilahan sa unang araw ng paglulunsad ng programa sa Visayas

Loading

Pinilahan ang unang araw ng pagbebenta ng ₱20 na kada kilo ng bigas sa Visayas.

Limitado lamang sa 10 kilo ang maaaring bilhin ng bawat indibidwal, at available lamang ito sa vulnerable sectors, gaya ng mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents.

500 sako lang din ng bigas ang ibinenta, kahapon, sa Lalawigan ng Cebu.

Samantala, kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na ngayong Biyernes ay tigil muna ang pagbebenta ng ₱20 na kada kilo ng bigas.

Ito, ayon sa Kalihim, ay upang bigyang daan ang 10-araw na spending ban sa ayuda na ipinatupad ng Comelec kaugnay ng Halalan sa May 12.

About The Author