Inimpound ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang fuel tankers na sangkot sa oil smuggling scheme o “paihi.”
Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, kinumpiska ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port ang MT Tritrust at MT Mega Ensoleilee, sa Navotas Fish Port.
Nasamsam sa naturang operasyon ang 370,000 liters ng unmarked fuel o petroleum products na walang proper markings, at ibig sabihin ay hindi nagbayad ng kinakailangang taxes at duties.
Ang mga nasabat na petrolyo ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱20.35 million.
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang BOC sa Department of Justice kaugnay ng imbestigasyon sa naturang iligal na aktibidad. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera