dzme1530.ph

₱20/kl na bigas, magiging available sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng DMW-DA partnership

Loading

Nakipag-partner ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Agriculture (DA) para gawing available ang ₱20 na kada kilo ng bigas sa mga Overseas Filipino Worker at kanilang mga pamilya.

Sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na ang kanilang hakbang ay pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing accessible sa mga pamilyang Pinoy ang dekalidad at murang bigas.

Ayon kay Cacdac, malapit nang mabili ang murang bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Samantala, nakikipag-ugnayan din ang DMW sa DA para suportahan ang mga OFW at kanilang mga pamilya na nais mamuhunan sa agribusiness sa pamamagitan ng National Reintegration Program.

About The Author