dzme1530.ph

₱20.4-M halaga ng shabu nasabat ng NAIA-PDEA sa isang claimant sa CMEC mula Canada

Nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-IADITG PDEA ang ₱20.4-M na halaga ng iligal na droga sa Pasay City.

Natuklasan ito ng mga awtoridad sa Central Mail Exchange Center mula sa isang parcel galing Vancouver Canada, na naglalaman ng tatlong transparent plastic pouch na may tinatayang 3,000 grams na hinihinalang shabu.

Ang naturang parcel ay padala ng nag-ngangalang Juan Angel at naka consignee kay alyas Joseph Acogido ng Quezon City.

Nadakip si Joseph ng i-claim o kuhanin nito ang kaniyang parcel.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

About The Author