Nakakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ng nasa dalawang milyong pisong halaga ng sibuyas mula sa China na walang kaukulang clearances mula sa regulatory agencies.
Ayon sa BOC, natuklasan ng kanilang Port of Manila Office na ang 25,000 kilos ng mga sibuyas ay walang sanitary at phytosanitary import clearance mula sa Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry.
Hindi naman tinukoy ng ahensya ang importer ng mga nasabat na sibuyas.
Ngayong taon ay inatasan ang BOC na mangolekta ng halos ₱1-T matapos makapag-generate ng ₱883.624-B na revenues noong 2023. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera