Welcome kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ₱2.9-B na investment sa Pilipinas ng Shera Public Company Limited ng Thailand.
Sa pakikipagpulong sa Executives ng Shera sa sidelines ng ASEAN Summit sa Laos, inihayag ng Pangulo na hindi lamang eco-friendly building solutions ang hatid ng nasabing fiber cement company, kundi mga trabaho at pagbabawas sa pagiging dependent ng bansa sa importasyon.
Ito ay tungo sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
Inaasahan ding makatutulong itong gawin ang Pilipinas bilang ideal hub para sa smart at sustainable manufacturing.
Sa ilalim ng investment, itatayo ang planta ng fiber cement sa TECO Industrial Park sa Mabalacat City Pampanga, at inaasahang mag-ooperate na ito sa unang bahagi ng 2025. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News