dzme1530.ph

₱2.7-B halaga ng illegal drugs shipment nasabat sa operasyon ng NBI, PDEA

Loading

Aabot sa ₱2. 7-B halaga ng iligal na droga ang nasabat ng pinagsanib pwersa ng NBI, PDEA Dangerous Drugs Division (DDD), Organized and Transnational Crime Division (OTCD) at Bureau of Customs sa South Harbor Manila mula Pakistan.

Ayon kay NBI Dir. Judge Jaime Santiago nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang foreign counterparts na may paparating ng malaking drug shipment sa Pilipinas mula sa Karachi, Pakistan.

Dahil dito agad ipinaalam sa Dep’t. of Justice at nakikipag-ugnayan ang NBI sa iba pang law enforcement agency para ikasa ang operasyon.

Nang maberipika ang kargamento na idineklarang boxes of food products at vermicelli and custards, agad binuksan ang container kung saan nakalagay ang mga kahon ng noodles kaharap umano ang mga sangkot sa shipment kung saan tumambad ang 404.9515 klgs na hinihinalang shabu.

Naaresto naman ang mga suspek na consignee ng illegal drugs at mga kasabwat nitong Customs broker.

Ayon kay Santiago ang mga suspek ay naaresto batay sa kanilang papel sa scheming upang mapadali ang pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa.

About The Author