Isang milyong piso na cash reward ang alok para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang maaresto ang mga pumaslang sa vice mayoral candidate sa South Cotabato.
Si South Cotabato 2nd District Rep. Peter Miguel ang nag-alok ng pabuya upang matulungang maresolba ang kaso ng pagpaslang kay Jose Osorio, Chairman ng Barangay Bukas Pait, sa bayan ng Tantangan.
Pinagbabaril si Osorio ng mga hindi nakilalang salarin sa loob ng kanyang property noong Lunes.
Ang biktima ay tumatakbo bilang bise alkalde sa Tantangan para sa 2025 midterm elections, kaya naniniwala ang kanyang mga kaanak na politically motivated ang krimen. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera