Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na i-refund ang ₱19.9 billion sa kanilang customers para sa over-recoveries simula July 2022 hanggang December 2024.
Ang average refund ay magiging ₱0.12 per kilowatt hour.
Para sa residential customers, ang refund ay magiging ₱0.20 per kilowatt hour na make-credit sa bills ng kanilang customers sa loob ng tatlong taon.
Una nang inihayag ni dating ERC Commissioner Alfredo Non, na base sa kanilang computation, simula noong 2015 hanggang ngayon, ay may dapat i-refund ang Meralco na mahigit ₱100-B na overcollection, dahil ang average distribution rate ay higit na mataas sa dapat na karaniwang singil nito.