dzme1530.ph

₱178.5-M halaga ng nasamsam na frozen mackerel sa Port of Manila, ininspeksyon ng Pangulo

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ₱178.5 million na halaga ng frozen mackerel na nasamsam ng Bureau of Customs sa Port of Manila.

Ngayong Sabado ng umaga, isa-isang tiningnan ng Pangulo ang 21 container vans ng isda.

Kasama niya sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio, DILG Sec. Jonvic Remulla, at iba pang opisyal.

Ang frozen mackerel ay dumating mula China noong Sept. 28.

Ito ay kinumpiska matapos matuklasang walang sanitary at phytosanitary import clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ito ang magiging pinaka-unang kaso sa ilalim ng ipinasang Anti-Agricultural Sabotage Act. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author