dzme1530.ph

₱17 at ₱21/kilo presyo ng wet at dry na palay, napagkasunduan

Loading

Pumayag ang Rice Industry Stakeholders na itakda ang buying price ng wet and dry palay sa 17 pesos at 21 pesos per kilo, ayon sa Department of Agriculture (DA).

 

Sinabi ni DA Spokesperson Arnel De Mesa na ang naturang presyo ay ipatutupad sa iba’t ibang lugar hanggang sa kasagasgan ng pag-aani sa Abril.

 

Ayon kay De Mesa, pagsusumikapang bilhin sa 17 pesos at 21 pesos ang palay ng mga magsasaka, partikular sa Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Bulacan, Ilocos, at sa Central Luzon.

 

Ipinaliwanag ng Agriculture Official na ang pagpapanatili ng presyo ng palay sa ganitong lebel ay magtitiyak sa matatag na presyo ng bigas sa merkado.

About The Author