Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na buo pa rin ang ₱12-B pondo para sa plebesito at referendum na isiningit ng mga mambabatas sa bicameral conference committee meeting para sa 2024 General Appropriations Act.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reform and People’s Participation, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na hindi pa nila ginagalaw ang pondo.
Ito ay nang magbabala si Senador Imee Marcos na posibleng maharap sa malversation of public funds ang COMELEC kung gagamitin ang pondo para sa paghahanda sa eleksyon.
Ipinaliwanag ni Garcia na plano nilang gamitin ang ₱1-B ng pondo na augmentation sa ₱400-M para sa procurement ng transmission services.
Posible namang gugulin ang ₱6 hanggang ₱8-B para overtime pay ng kanilang mga empleyado at sa information campaign para sa paggamit ng mga bagong makina sa 2025 Elections.
Habang ang natitirang pondo ay maaaring ideklara bilang savings na kinalaunan ay maaari ring gamitin sa pagtatayo ng COMELEC local offices.