Aabot sa kabuuang ₱111,112,000 halaga ng iligal na droga mula sa isang abandunadong parcel ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ang nasabing parcel ay idineklarang bilang “handmade cultural craft paintings” na padala ng isang David Ibarra Uriostegui ng 07870, Mexico City, Gustavo A Madero, Mexico.
Naka-consignee ang parcel kay Marcelino De Los Reyes Jr. ng Brgy., 3023 Gaya-gaya, San Jose Del Monte, Bulacan.
Nadiskubre ang laman ng parcel nang dumaan ang mga ito sa x-ray machine at physical examination kung saan ang limang (5) handmade painting ay naglalaman ng tig-16.34 kg na wax na may halong hinihinalang shabu.
Ang iligal na droga ay pormal nang naiturn-over ng Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News