dzme1530.ph

₱110 milyong pondo para sa Malikhaing Pinoy Program, aprubado na

Maglalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng 110 million pesos para sa Malikhaing Pinoy Program.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang special allotment release order at notice of cash allocation para sa programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na layuning itaguyod ang pagiging malikhain ng mga Pilipino para sa pagpapalago ng ekonomiya.

Kabilang sa mga tututukang sektor ang game development, animation, furniture design, music, advertising, fashion design, film, at visual arts.

Gagamitin ang pondo sa mga programa ng Philippine Creative Industries Council tulad ng talent development and training, incubation and acceleration, networking and promotions, export development, intellectual property, research and development, pagtatatag ng creative clusters at hubs, policy advocacy, at market access.

Ayon kay Pangandaman, ang pagbubuhos ng pondo sa Malikhaing Pinoy Program ay mahalagang hakbang tungo sa Bagong Pilipinas na mag-aangat sa creative industries para sa pagsulong ng ekonomiya at muling pagpapasigla ng kultura.

About The Author