Kinalampag ni AGRI Party List Rep. Manoy Wilbert Lee, ang Kamara kaugnay sa inihain nitong House Resolution 2117 para imbestigahan ang ₱11-Billion halaga ng gamot ng DoH na nag-expired.
Ginawa ng AGRI Party List ang panawagan bilang suporta sa inihaing Senate Resolution 1326 ni Sen. Joel Villanueva, na nananawagan din ng imbestigasyon sa mga nasirang gamot.
Sinabi ni Manoy Wilbert na suportado niya si Sen. Villanueva dahil malaking kapabayaan at kasalanan sa taumbayan ang pagkasira ng mga gamot.
Punto ng Bikolano lawmaker, hindi katanggap-tanggap ang ganitong pangyayari dahil napakaraming Pilipino ang nangangailangan ng medisina subalit napagkakaitan.
Sa 2023 Commission on Audit report pinuna ang ₱11.8-B halaga ng drugs, medicines at medical supplies, kabilang ang 7-M vials ng COVID-19 vaccines at health facilities na hindi napakinabangan.
Natuklasan ng COA ang dahilan ng pagkasira ay hanhi ng hindi maayos na procurement planning at poor distribution at monitoring system.