dzme1530.ph

₱10K teaching allowance, tiyak nang matatanggap ng mga guro sa susunod na taon

Wala nang makakapigil sa implementasyon ng Kabalikat sa Pagtuturo Act na naglalayong itaas sa ₱10,000 ang teaching supplies allowance ng bawat pampublikong guro.

Ito ay sa gitna ng pagpapalabas na ng Implementing Rules and Regulation ng batas na ayon sa pangunahing may-akda na si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ay pagtatapos ng mahabang proseso na pinagdaanan ng panukalang layung tulungan ang mga guro sa gastusin sa kanilang pagtuturo.

Sinabi ni Revilla na matagal man ang naging laban, naipanalo pa rin ito para sa kapakanan ng mga guro.

Pinasalamatan naman ni Revilla ang si Education Secretary Sonny Angara sa agarang pag-apruba nito sa nasabing IRR.

Alinsunod sa batas, simula sa susunod na taon, tataas na sa ₱10,000 ang matatanggap na teaching allowance para ipambili ng mga kagamitan sa aktwal na pagtuturo at iba pang kaakibat na gastusin.

About The Author