Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 8-billion peso Panguil Bay Bridge, na magko-konekta sa Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Sa seremonya sa Bayan ng Tubod ngayong Biyernes, ininspeksyon at pinangunahan ng Pangulo ang ribbon-cutting ceremony at unveling of marker sa bagong tulay, kasama sina First Lady Liza Marcos, DPWH Sec. Manny Bonoan, South Korean Ambassador Lee Sang-Hwa, at mga lokal na opisyal.
Ang Panguil Bay Bridge ay may habang 3.17 kilometro na ito nang ituturing na pinaka-mahabang sea-crossing bridge sa Mindanao.
Ito ay isang proyektong pinondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa Korean Export-Import Bank.
Dahil sa bagong tulay, iikli na sa pitong minuto mula sa dalawang oras ang biyahe mula sa Ozamis o Tangub City hanggang sa Tubod.
Inaasahang mapasisigla rin nito ang transport system, turismo, at paghahatid ng mga produkto at serbisyo tungo sa paglago ng ekonomiya sa Northern Mindanao. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News