dzme1530.ph

₱72-B investment pledges, inaprubahan ng PEZA sa unang anim na buwan ng 2025

Loading

Mahigit ₱72 Billion na investment commitments ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang kalahati ng 2025.

Nakapagtala ang PEZA ng ₱72.362 billion na investment pledges simula Enero hanggang Hunyo, na mas mataas ng 59.1% mula sa ₱45.481 billion na nai-record sa unang semester ng nakaraang taon.

Ayon sa ahensya, ang mga inaprubahan nilang proyekto ay maaaring makalikha ng 32,983 na direct jobs para sa mga Pilipino, na mas mataas ng 30.58% mula sa 25,259 job generation projection sa unang anim na buwan ng 2024.

Sinabi ng PEZA na South Koreans ang pinakamalaking investors sa unang anim na buwan ng taon, sumunod ang Americans, Chinese, Dutch, at Japanese.

About The Author