Nakakolekta ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng ₱50 Billion na license fees mula sa 70 legal online gambling platforms noong 2024.
Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, 50% ng fees ay agad nilang ni-remit sa National Treasury.
Ang natitira naman aniya ay ginamit para i-subsidize ang iba pang mga ahensya, gaya ng PhilHealth, Philippine Sports Commission, at Dangerous Drugs Board.
Inihayag din ni Tengco na may daan-daang illegal online gambling platforms na nag-o-operate sa labas ng bansa at ang target ay mga Pilipino, na siyang sumisira sa online gambling industry.