dzme1530.ph

₱4.4-M na halaga ng ecstacy at heroin, nasabat ng BOC sa NAIA

Loading

Kinumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na parcel na naglalaman ng ecstacy at heroin na tinatayang nagkakahalaga ng ₱4.43 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa statement, sinabi ng BOC na ang shipment na nasabat sa Central Mail Exchange Center ng airport, ay kinabibilangan ng 1,330 tablets ng ecstacy at 362 grams ng heroin.

Ayon sa Customs, ang mga iligal na droga ay smuggled mula sa Ireland, The Netherlands, at Thailand.

Nakalagay ang mga ito sa misdeclared packages na mayroong label na skincare products at plumbing materials.

Ikinasa ng BOC ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group. —ulat mula kay Felix Laban

About The Author