Mayroong tatlong bilyong pisong standby funds at naka-preposition na relief stockpile ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kalamidad ngayong taon.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na gagamitin nila ang pondo para sa mga request ng iba’t ibang local government units na naapektuhan ng kalamidad.
Inihayag ni Dumlao na mahigit tatlong milyong family food packs ang naka-preposition sa DSWD warehouses sa buong bansa, pati na sa mga warehouse ng mga LGU at private organizations.
Idinagdag ng opisyal na nagpadala ang ahensya ng tulong sa mga naapektuhang residente ng Bagyong Bising, partikular sa Benguet at Ilocos Sur.