Target ng Department of Agriculture (DA) na gawing available ang ₱20/kg rice program na tinawag na “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” sa 55 Kadiwa ng Pangulo (KNP) centers at stalls sa Hunyo.
Sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na malapit nang dalhin sa Kadiwa sites sa Luzon ang benteng bigas habang tuloy-tuloy naman ang programa sa Cebu.
Ayon naman sa Food and Terminal Inc. (FTI), bukod sa provincial government ng Cebu, ay nag-order din ng NFA rice stocks ang iba pang local government units, kabilang ang Siquijor, Southern Leyte, at Bohol.
Idinagdag ni Laurel na isasama rin nila ang ilang lugar sa Mindanao upang maging available ang murang bigas sa mahihirap na pamilya.