dzme1530.ph

₱20/kilo rice program, planong palawakin ng DA sa low at lower middle-income families

Loading

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang posibilidad na palawakin ang pagbebenta ng ₱20 na kada kilo ng bigas sa low at lower middle-income families.

Ito, ayon kay Agriculture Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa gitna ng mga panawagan na ibenta rin sa iba ang murang bigas.

Sa ngayon kasi ay iniaalok lamang ito sa vulnerable sector, gaya ng senior citizens, persons with disability, solo parents, at mga miyembro ng 4Ps.

Ipinaliwanag ni de Mesa na maraming dapat ikonsidera, lalo na ang epekto ng expanded rollout sa industriya ng bigas at sa ekonomiya.

About The Author