dzme1530.ph

₱100 wage hike, mas mainam kung unti-untiin –PSAC

Inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na mas mainam na unti-untiin sa halip na gawing isang bagsakan ang isinusulong na ₱100 pisong dagdag sa minimum wage.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihalimbawa ni PSAC Jobs Sector Lead Joey Concepcion ang mga nagdaang administrasyon kung saan naglalaro lamang sa 15 hanggang 30 pesos ang mga ipinatupad na taas-sahod.

Iginiit ni Concepcion na maaaring kayanin ng malalaking korporasyon ang ₱100 pesos wage increase ngunit posibleng hindi naman makasabay dito ang micro at medium enterprises.

Kaugnay dito, binigyang-diin ng PSAC representative na mas mabuting tutukan na lamang ang paglikha ng mas maraming trabaho.

Mas makabubuti rin umano ang upskilling at reskilling na itong magbibigay-daan sa pagkakaroon ng mas malaking income ng mga manggagawa.

About The Author