dzme1530.ph

₱10-M pabuya, iniaalok kapalit ng impormasyon sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy

Iniaalok ang ₱10-M pabuya, sa makapagbibigay ng anumang impormasyon sa kinaroroonan ng puganteng Pastor na si Apollo Quiboloy.

Ayon kay Dept. of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, bukod sa reward na ipagkakaloob para sa makapagtuturo kay Quiboloy, mayroon ding pabuyang ₱1-M, kapalit ang impormasyon ng lima pang kapwa akusado ng pastor na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.

Matatandaang inihain ang arrest warrant kay Quiboloy at sa mga co-accused nito, dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Qualified Human Trafficking.

Una nang sinilakay ng PNP, ang ilang mga lupain ni Quiboloy sa Davao City, Samal Island at Sarangani, ngunit bigo itong mahanap si Quiboloy.

About The Author