Posibleng magdagdagan ng piso ang pasahe sa jeepney simula sa susunod na linggo, bunsod ng sunod-sunod na malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo dulot ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Sinabi ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na posibleng aprubahan nila ang fare hike petition na inihain ng jeepney drivers at operators.
Inihayag ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III na one peso across the board ang kanilang posibleng payagan at wala ang kada kilometrong dagdag-pasahe.
Idinagdag ni Guadiz na maaaring magkaroon ng provisional increase, subalit sa ilalim ng kondisyon na ang presyo ng gasolina ay $80 per barrel ng Dubai Oil.