788 silid-aralan sa iba’t ibang panig ng bansa ang sinira ng tatlong nagdaang bagyong Nika, Ofel, at Pepito, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Education Usec. Revsee Escobedo, na 308 classrooms ang kailangan na maitayong muli, habang 480 ang nangangailangan ng malawakang pagkukumpuni, na nagkakahalaga ng ₱1-B.
Idinagdag ni Escobedo na 4,427 school furnitures at 31,319 learning resources ang naapektuhan ng mga kalamidad, habang tinaya sa 481 computer packages din ang nasira.
Inihayag ng DepEd official na nagdulot din ang sunod-sunod na bagyo, pati na ang iba pang nagdaang mga kalamidad ng pagkagambala sa pagkatuto ng mga mag-aaral na katumbas ng 38 school days. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera