dzme1530.ph

₱1.4-B, inilabas ng DBM para sa reconstruction at development ng mga lugar na naapektuhan ng kaguluhan 

Loading

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng mahigit ₱1.4-B para suportahan ang rebuilding at development ng conflict-stricken areas sa bansa.

Sa statement, sinabi ni DBM Sec.Amenah Pangandaman, na ang inilabas na pondo ay para sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program.

Ang naturang programa na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay binubuo ng micro-level interventions para tugunan ang conflict at pagtibayin ang peace-building efforts.

Sinusuportahan din nito ang reconstruction at development sa mga lugar na naapektuhan ng kaguluhan, maging sa mga vulnerable areas.

 

 

About The Author