Tuluyan nang tinapyas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kabuhang P1.23-billion confidential funds ng 5 ahensiya ng pamahalaan para sa taong 2024.
Ito ang kinumpirma ni Marikina City Congresswomen Stella Quimbo, senior vice chairperson ng Committee on Appropriations.
Ayon kay Quimbo, sa kabuuhan P194-billion ang halaga ng institutional amendments o ang ni-reallocate sa proposed national budget at kabilang ang 1.23-billion pesos mula sa Office of the Vice President, at Department of Education na kapwa nasa ilalim ni Vice President Sara Duterte.
Bukod sa OVP at DepEd, tinanggalan din ang confidential funds ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni PBBM, Department of Information and Communications Technology, at ang Department of Foreign Affairs.
Ang tinanggal na pondo ay idinagdag sa tanggapan ng NICA o National Intelligence Coordinating Agency, 300-million pesos; National Security Council o NSC, 100-million pesos; Philippine Coast Guard intelligence activities 200-million pesos; at sa Department of Transportation for airport development and expansion ng Pag-asa Island Airport, 381.8-million pesos. -Ulat ni Ed Sarto, DZME News